BUMABA na bilang hukom sa International Criminal Court (ICC) si Sen. Miriam Santiago nitong Martes.
Sa isang sulat ni Santiago sa ICC presidency sa pamamagitan ni President Sang-Hyun Song, kinumpirma nito ang kaniyang pagbitiw sa nasabing posisyon dahil sa hindi maayos na kondisyon ng kaniyang kalusugan.
Magugunita na mula nang maihalal sa ICC noong Disyembre 2011 bilang judge, hindi pa nito nagampanan ang pagiging hukom subali’t patuloy na nagpapagamot sa kaniyang sakit na chronic fatigue syndrome.
“Pursuant to my commitment, I hereby confirm that the Court should proceed on the basis that I am stepping down as elected Judge,” aniya sa kaniyang sulat.
“I will support the procedures of the Assembly of State Parties later this year, so that a replacement can be duly elected,” dagdag pa nito.
Samantala, patuloy din na naka-leave si Santiago sa Senado dahil sa parehong kundisyon.
Subali’t nagpapasabi kung nais nitong dumalo sa pagdinig gaya ng kay Janet lim Napoles sa isyu ng pork barrel scam at dapat na hindi lalampas ng 2 oras ang exposure nito.
Dumadalo din ang solon sa speaking engagements nito sa labas ng Senado basta’t hindi kailangang magtagal.
The post Sen. Santiago bumitiw na bilang hukom sa ICC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment