NAPIPINTONG sumunod na rin sa ibang bansa ang marami ring air-traffic controllers sa bansa dahil sa nakapanghihikayat na magandang benepisyong matatanggap.
Ito ang ibinabala ni Senador Bam Aquino matapos maiparating sa kanyang tanggapan ang impormasyon na ilan sa air-traffic controllers ay nakakita na ng mas magandang trabaho sa abroad at ilan pa ang plano na ring sumunod kapag hindi pa gumanda ang sitwasyon sa sariling bayan.
Limang beteranong air-traffic controllers na ang umalis ng bansa para sa mas magandang sweldo sa abroad.
Dagdag pa ni Aquino, “Ang pag-alis ng air-traffic controllers ay panibagong brain drain na naman para sa bansa. Maliban dito, babagal ang operasyon ng ating airports at makaaapekto ito sa turismo ng bansa, na unti-unti nang bumabangon sa nakalipas na mga taon.”
Napag-alaman na mula nang itatag ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong 2008, wala pang Civil Aviation Training Center (CATC) graduate na nabigyan ng appointment o naging regular employee.
May 195 sa kabuuang 500 air-traffic controllers ng bansa mula sa CATC ang mayroon lamang job-order status.
Panawagan ngayon ni Aquino sa CAAP at Department of Transportation and Communications (DOTC), tiyakin ang kaukulang sweldo, benepisyo at seguridad sa trabaho ng mga air-traffic controller.
The post Air-traffic controllers plano na ring mag-abroad appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment