IPINAHAYAG ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya na ipatutupad na nila ang P1 million multa laban sa mga colorum na bus operators.
Ito ay para mapalakas ang kampanya laban sa mga bus na walang prangkisa at mapaluwag na rin ang mga pangunahing lansangan sa bansa.
Sa ngayon ay P6,000 lamang ang multa sa mga bus na may illegal operations, kung saan maituturing itong maliit na halaga kaya tuloy-tuloy ang mga pasaway na bus companies.
Bukas ay sisimulan na ang publication ng naturang bagong patakaran na magiging epektibo sa Hunyo 19 o 15 araw matapos ang pagsasapubliko ng bagong polisiya.
The post P1M multa sa kolorom na bus appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment