HINDI dapat kondenahin ng mga Pinoy ang mga indibidwal na isinasangkot sa pork barrel scam, kabilang na ang tatlong senador na una nang sinampahan ng kasong plunder.
Pinaalalahanan din ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang mga Kristiyano na magmahalan sa lahat ng pagkakataon, at mahalin din kahit na ang mga taong nagkasala at nagkamali.
Hinikayat din ni Villegas ang mga opisyal na huwag umaksyon dahil sa galit o paghihiganti dahil ang naturang aksyon ay hindi aniya mula sa Panginoon.
Nanawagan din ito sa mga taong inatasang umusig sa mga kaso na obserbahan ang karapatang pantao ng mga akusado.
Muli rin nitong iginiit na lahat ng taong sangkot sa anomalya, maging anuman ang political affiliations ng mga ito ay dapat na imbestigahan dahil kung ang pagbibigay ng hustisya aniya ay pinipili lamang ay hindi na aniya ito maaari pang matawag na makatarungan.
Matatandaang sinampahan na ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang ilang indibidwal na isinasangkot sa P10 billion pork barrel scam sa pangunguna nina Janet Lim-Napoles, gayundin sina Senators Juan Ponce Enrile, Jose ‘Jinggoy’ Estrada, at Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.
The post Sangkot sa PDAF scam wag kondenahin – CBCP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment