Monday, June 9, 2014

‘Sana’y maging tulad ni Douthit si Blatche’ — De Ocampo

BUKOD sa pagpapakita ng magandang laro, nais ni Gilas mainstay Ranidel de Ocampo na mahalin ni Andray Blatche ang kultura, tradisyon at mga tao ng Pinas nang tulad kay Marcus Douthit ilang taon ang nakalilipas matapos ma-naturalized para sa koponan ng Pinas.


Ito ang inihayag ni De Ocampo sa pagbisita ni Blatche sa bansa kung tuluyan na itong maging ganap na Pinoy at makasabak sa Fiba 2014 kasama ang team Gilas.


“’Yung mga ginawa ni Marcus Douthit, magawa rin sana niya para maging pusong Pinoy siya,” ani De Ocampo.


Tanging lagda na lamang ni Pangulong Aquino ang hinihintay ng mga papeles ni Blatche upang maumpisahan na ang kanyang practice kasama ang buong koponan ng Gilas.


Si Blatche ang hahalili sa pwesto ni Douthit na sasabak sa Fiba World Cup na gaganapin sa Spain kung saan isang naturalized player kada team ang pinahihintulutan sa nasabing torneyo.


“Si Blatche, sana magtagal siya dito,” wika ni De Ocampo. “Sana makilala niya mabuti ‘yung mga Pilipino para malaman niya kung sino ang pinaglalaban niya sa basketball.


“Sana tanggapin niya ang laro, ipaglaban niya ang bansa natin, at isapuso niya at i-embrace ‘yung pagiging Pilipino niya. Sana ipaglaban niya tayo.”


Gayunman, naniniwala si De Ocampo na matututunan ding mahalin at ipaglaban ni Blatche ang Pilipinas tulad ng ginawa ni Douthit mula nang maging isang ganap na Pinoy ito.


“Tingin ko naman, willing siya, kailangan sa practice, makita sa ensayo kung papaano siya lalaban para sa mga Pinoy at sa bansa natin. Sana ma-adopt niya,” dagdag pa ni De Ocampo.


Samantala, nais naman ni Gilas guard Jeff Chan na makapag-ensayo na sila nang maaga kasama ang Brooklyn big man upang mas lalong mapaghandaan ang darating na liga.


“Mas maganda na maaga siya dumating para mapag-aralan din niya ‘yung system ni coach Chot (Reyes), and at the same time, makasama kami,” ani Chan.


Sinabi naman ni Jimmy Alapag na tamang-tama si Blatche sa dribble-drive system ni coach Reyes.


“I haven’t played with him but just by watching him with the Brooklyn Nets, obviously his size, he is a very skilled big guy. So I think with coach Chot’s dribble drive, he will be comfortable with that system.” saad ni Alapag.


The post ‘Sana’y maging tulad ni Douthit si Blatche’ — De Ocampo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Sana’y maging tulad ni Douthit si Blatche’ — De Ocampo


No comments:

Post a Comment