KAPWA kulong ang isang misis at kalaguyo nito matapos maaktuhan ng asawa ng una na naglalampungan sa Caloocan City, Lunes ng hatinggabi, Hunyo 9.
Nahaharap sa kasong pakikiapid si Pilar Bayani, 45, ng Pinag-isahan, Antipolo City at Angelito Paguia, 33, ng Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod.
Nabatid na ilang linggo nang sinunsundan ng biktimang si Ricardo, 46, ang asawa dahil sa hinalang nagtataksil.
Ilang kapitbahay na umano ng mga Bayani ang nagsasabi kay Ricardo na nagtataksil ang asawa subalit hindi pinapansin ng mister dahil abala umano sa trabaho.
Naniwala lang si Ricardo dahil sa panlalamig ng asawa hanggang sa masundan alas-12 ng madaling-araw sa bahay ng kalaguyo.
Nakita pa ng biktima ang paglalampungan ng magkalaguyo dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at ipadakip ang mga suspek bago dinala sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.
The post Misis, kalaguyo kalaboso nang maaktuhan ng mister appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment