Friday, June 27, 2014

THE TREASURE PRINCIPLE

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT PANAHON na naman ng tag-ulan at muli ay nakararanas tayo ng mga pagbaha, lalo na sa Kamaynilaan. Naiisip natin na tila napakasarap kung mananatili tayo sa bahay upang magpahinga, kasama ang pamilya.


Ngunit posible ba ito kung wala tayong impok na madudukot at hindi tayo nakahanda para rito?


Sa Hong Kong ay nakilala ko ang Filipinang si Meriam Bagabaldo na nagpakilala sa akin ng programang nagbukas ng pintuan sa ating mga kababayang OFW roon para makapag-impok para sa kanilang hinaharap. Ito ang ‘treasure principle’, na pinasimulan ng ating kababayang si Victor Neri.


Ayon kay Meriam, nagsimula ang nasabing programa nang mapansin ni Victor na may ilan tayong kababayan sa Hong Kong na bagama’t ilang taon nang nagbabanat ng buto ay nananatili pa rin doon sa kadahilanang wala pa rin silang sapat na impok para sa kanilang pamilya sa Pinas.


“Yung domestic helpers na mas marami rito ang talagang walang ipon, umuuwi sa Pilipinas na walang pera and mababalitaan mo na bumabalik na naman dito. Kaya mahirap,” kwento ni Meriam.


Isinalaysay rin niya kung paano nakakatulong ang treasure principle sa mga OFW roon. “Yung treasure principle po is isang programa na ginawa para sa mga OFW. It’s a savings program with a rewards everytime na sila ay nag-iipon ng buwanan. So kailangan lang nilang mag-ipon ng 200 dollars a month sa loob ng limang taon and then they just have to wait for another 10 years para nang sa ganu’n makuha nila ‘yung talagang maximum na interest nito,” paliwanag niya.


Aminado rin si Meriam na hindi naging ganoon kadali ang pagsisimula nito, sapagkat marami sa ating mga kababayan ang sarado ang isipan pagdating sa pag-iimpok na gaya nito. Katwiran ng mga ito na higit na marami silang bagay na dapat unahin bago ito. Sa pagmamalasakit na rin ay patuloy at buong tiyagang ipinaliwanag ng grupo ni Meriam sa mga Pinoy roon ang kahalagahan ng pag-iimpok at unti-unti nga ay nakilala at tinangkilik ng mga ito ang ‘treasure pinciple’.


Marami-rami na ring mga kababayan natin ang natulungan at nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng sariling negosyo. “Ang main goal namin, maturuan silang mag-save at nang sa ganu’n, pagdating ng panahon, at least meron silang makakatulong and, at the same time, merong negosyo na mababalikan sa Pinas,” dagdag pa niya.


Kasabihan ng mga matatanda: ‘kapag may isinuksok, may madudukot.’ Kaya habang may panahon at pagkakataon nararapat tayong mag-impok, dahil hindi man natin alam ang mangyayari bukas, higit na mabuti kung nakapaghanda tayo para rito.


*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post THE TREASURE PRINCIPLE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



THE TREASURE PRINCIPLE


No comments:

Post a Comment