ISINULONG ni Sen. Grace Poe ang mga panukalang batas na naglalayong maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan at mapagaan ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa unang taon ng kanyang paglilingkod-bayan bilang mambabatas, inihain nito ang 107 panukala, 34 Senate bills at 73 resolutions.
Sa 5 sponsored bills, tatlo rito ay lusot na sa Mataas na Kapulungan noong 1st regular session ng 16th congress.
Kabilang dito ang Freedom of Information (FOI) bill na magsisilbing sandata laban sa pang-aabuso sa kaban ng bayan at maibalik ang tiwala sa pamahalaan.
Bilang chairman ng committee on public order and dangerous drugs, isinulong nito ang pag-amyenda sa Section 21 ng Dangerous Drugs Act upang matutukan ang pagsawata sa big-time drug pushers.
Ipinapanukala rin nito ang Film Tourism Bill na layong maging pangunahing ‘shooting destination’ ang Pilipinas at pagkakaroon ng closed-caption para sa mga may kapansanan sa pandinig.
*Kabuhayan, Kakayanan at Kaalaman tungo sa Kaunlaran
Sa larangan ng edukasyon, isinusulong ni Poe ang Sustansya sa Batang Pilipino Program na magbibigay ng libreng pananghalian sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Inihain din nito ang Bakod Central Visayas Bill na naging batayan ng P14.5-bilyong pisong dagdag na budget para sa recovery at rehabilitation program.
Aprubado na rin sa Senado ang panukalang magbigay ng libreng text alerts ang telecommunication service providers na magbibigay babala para mabawasan ang epekto ng mga sakuna at kalamidad.
Itinutulak ang electoral reforms sa harap ng automated elections at mga pagbabago sa darating na panahon.
Sa kanyang privilege speech, ipinaalala ni Poe sa bayan ang naganap na dayaan nuong 2004 at kung paano ito maaring maulit kung hindi babantayan ang kasalukuyang sistema sa COMELEC.
Pinanawagan din n’ya na busisiin ang Anti-wiretapping law at ang pagsasabatas ng Whistleblowers Act.
Buo ang pag-asa ni Poe na makakamit ang lubos na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao bunsod na rin ng Comprehensive Agreement sa Bangsamoro.
Isinusulong din nito ang credit assistance sa OFWs, cancer assistance fund para sa mahihirap na pasyente, pagsusulong ng corporate farming at ayuda para sa livelihood at agricultural programs.
The post Reporma sa pamahalaan tuloy-tuloy – Grace Poe appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment