Thursday, June 26, 2014

LeBron, target ng Clippers

lebron-james-free-agent


GAYA ng ibang koponan, nais din ng Los Angeles Clippers na isama sa kanilang pwersa si 2-time Finals MVP Lebron James nakatakdang maging isang free agent sa darating na July 1.


Gayunman, isa rin sila sa naniniwalang muling pipirma ng panibagong kontrata si small forward James sa Miami Heat.


Sinabi ni Clippers’ president Doc Rivers na target niyang mas mapalakas ang kanyang koponan sa pamamagitan ni Lebron James kapalit ni power forward Blake Griffin.


Handa ang Clippers na ipagpalit sina Griffin at Jared Dudley o Matt Barnes makuha lamang ang halimaw na si James.


Isa pang opsyon ng Clippers ay sina DeAndre Jordan, Jamal Crawford at isa kina Barnes at Dudley para kapalit ni James ngunit tutol sila rito.


Ayon pa sa isang opisyal ng Clippers, gustong-gusto talaga ni James na mapabilang sa koponan ni Rivers at maging kakampi ang kanyang malapit na kaibigan na si Chris Paul.


Bukod pa rito, isa pa sa nagtutulak kay James sa Clippers ay ang kanyang asawa na si Savannah dahil sa isa ang LA sa paborito niyang lugar dito.


Anito, gusto niyang mapabilang si James sa Clippers at hindi sa LA Lakers na pinamumunuan ni superstar Kobe Bryant.


Mayroon pang natitirang dalawang taon sa kontrata ($42.7M natitira sa kanyang $127.7M) ni LeBron James sa Heat ngunit sa ‘di malamang dahilan ay tinapos na niya ito.


“The Miami Heat does not think he’s leaving,” sabi ng isang opisyal. “Miami thinks it’s a ploy by James to make the team better.”


Ayon sa ibang source, balak daw ni James na bumalik sa kanyang tahanan na Cleveland Cavaliers kasama si Kyrie Irving.


Isa pang target na makuha ng Clippers ay ang magiging free agent na rin sa darating na July 1 na si New York Knicks small forward Carmelo Anthony.


Ngunit may mga balitang aanib ang dalawang mahuhusay at beteranong manlalaro sa susunod na NBA season sa koponan ni veteran Kobe Bryant na Los Angeles Lakers.


Matatandaang hindi nagawang tapusin ni Bryant ang 2013-14 season dahil sa injury, ngunit ngayong daratin na season ay muli nanaman siyang mananalasa sa kanyang pagbabalik sa liga.


Sabi ng ibang netizens, nilayasan ni LeBron ang Heat dahil sa pagkatalo nito sa 2014 Finals kontra sa San Antonio Spurs.


The post LeBron, target ng Clippers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LeBron, target ng Clippers


No comments:

Post a Comment