Thursday, June 26, 2014

Bongbong Marcos para presidente, ‘di pa panahon para pag-usapan

NANINIWALA si Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na kapag naghain na siya ng kanyang certificate of candidacy (COC), ito na ang tamang pagkakataon o deadline na kakandidato siya sa mas mataas na posisyon sa bansa.


Ito ang pahayag ni Marcos kaugnay sa maugong na isyu ng pagtakbo nito bilang pangulo ng bansa sa 2016 presidential elections.


Sa ngayon aniya, hindi pa napapanahon para pag-usapan ang isyu dahil marami pang kailangang tapusin.


“So, there’s no time or there’s no space in our working lives to be discussing that or to be planning that or to be campaigning. Dapat na i-assess muna ang political situation. Mahaba pa ang natitirang dalawang taon,” paliwanag ni Marcos.


Subalit isa lang ang tiniyak ng solon na kakandidato siya para sa kanyang re-election.


“The time will come, of course when 2016 will come, I will be a candidate. The obvious thing to do is for me to run for re-election,” aniya sa lingguhang Kapihan sa Senado.


Marami aniya ang nagpapayo sa senador na maging bukas lamang sa kanyang opsyon.


“So I always try to keep my options open for as long as possible,” dagdag pa ng solon.


Tinukoy pa nito na maging ang kanyang partido, ang Nacionalista Party na pinamumunuan ni dating Sen. Manny Villar ay wala pa ring abiso kung ano ang magiging papel nito sa 2016 presidential elections.


The post Bongbong Marcos para presidente, ‘di pa panahon para pag-usapan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bongbong Marcos para presidente, ‘di pa panahon para pag-usapan


No comments:

Post a Comment