NAKATUTOK pa rin ang pamunuan ng Quezon City Police District(QCPD) sa pagpatay kay racing champion Ferdinand “Enzo” Pastor.
Bumuo na rin ng special task force na pamumunuan ni QCPD Deputy District Director for Operations, Senior Supt. Procopio Lipana.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Richard Albano, magsisilbing Deputy Chief ng task group si Supt. Ariel Capucao, hepe ng Talipapa Police Station na may hurisdiksyon sa lugar kung saan pinaslang si Pastor.
Hunyo 12 nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang 32 anyos na karerista habang minamaneho ang truck na humahatak sa kanyang race car sa kanto ng Visayas at Congressional Avenues sa Tandang Sora.
The post QCPD tutok sa kaso ng pagpatay sa car racer appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment