Wednesday, June 18, 2014

BI nakaalerto vs mga sabit sa pork scam

MAHIGPIT na nakaalerto ang buong puwersa ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparan laban sa posibleng pagtatangka ng mga akusado na sangkot sa pork scam na makapuslit palabas ng bansa.


Bineberipika na ng BI kung nasa bansa pa ang mga akusado sa plunder at graft cases kaugnay sa pork barrel scam.


Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hinihintay niya ang report ng BI matapos maglabas ng Hold Departure Orders ang Sandiganbayan laban sa mga respondent.


Saklaw ng HDO o pinagbabawalang umalis ng bansa sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Junior.


Kasama sa HDO ang mga dating staff ng 3 senador na sina Atty. Gigi Reyes; Pauline Labayen at Richard Cambe gayundin ang utak sa scam na si Janet Napoles, dalawa nitong anak at isang kapatid.


The post BI nakaalerto vs mga sabit sa pork scam appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BI nakaalerto vs mga sabit sa pork scam


No comments:

Post a Comment