PINAG-AARALAN na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kinakailangang pagbabago na dapat nilang gawin.
Aminado ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government na hindi na akma ang ilan sa kasalukuyang security measures na ipinatutupad sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni DILG Secretary Mar Roxas na pinag-aaralan na ngayon ng PNP ang mga kinakailangang pagbabago na dapat nilang gawin upang mapaunlad ang sistemang ipinatutupad ngayon.
Kabilang na anya rito ang karagdagang checkpoints na gagawin ng mga pulis sa magkakaibang lugar sa magkakaparehong oras.
Sa ganitong paraan anya, mababawasan kahit paano ang krimen sa isang lugar dahil napatunayan na rin na epektibo ang pamamaraang ito na ginagawa ngayon sa Quezon City.
Maliban dito, sinabi pa ng kalihim na bahagi rin ng modification at refining na ginagawa ngayon ng pambansang pulisya ang pagbuo ng major crime unit sa ilalim ng CIDG.
The post DILG kailangang magbago ng sistema – PNP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment