Friday, June 20, 2014

Puslit na bawang nakumpiska ng BoC

TINATAYANG nasa P36-milyon halaga ng bawang ang nasabat ng Bureau Of Customs (BoC) sa dalawang container van sa port ng Batangas.


Dahil dito aabot na sa apat na container van ang nakukumpiska ng mga awtoridad matapos makasabat ng dalawang container van noong nakaraang linggo.


Ayon kay Batangas District Collector Ernesto Benitez, nasa 120,000 kilos na ang nakumpiskang bawang na nagkakahalaga sa humigit kumulang P36-milyon.


Ang mga bawang ay nasabat sa port at ito’y galing sa Taiwan na nakapangalan sa Good Port Merchandsise ng Cagayan de Oro bilang consignee.


Ayon naman kay Charo Logarta, spokerperson ng BoC, pinag-aaralan pa ng Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DoF) kung sisirain pa ang mga bawang o i-auction na lamang para may ibenta sa merkado at tuluyang maibsan ang kakulangan sa suplay ng bawang.


Alas-10:00 ngayong umaga nakatakdang buksan ang mga container van para sa inventory.


The post Puslit na bawang nakumpiska ng BoC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Puslit na bawang nakumpiska ng BoC


No comments:

Post a Comment