Friday, June 20, 2014

Biyahe sa Capiz, naparalisa sa protesta ng PISTON

PARALISADO ang biyahe sa Capiz dahil sa isinagawang strike ng mga tsuper at operators ng public utility vehicle (PUV).


Ayon kay Edgar Salarda, presidente ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Panay, 100% sa 700 na mga units ng public utility jeepneys (PUJs) ang nakiisa sa tigil-pasada habang 90% sa 4,500 na unit naman sa mga tricycle.


Para kay Salarda, matagumpay ang isinagawang strike dahil naparamdam ng transport group ang kawalan sa tinatayang mahigit sa P133-K na halaga ng buwis na makukuha sana ng gobyerno sa ginagamit na petrolyo ng mga sasakyan.


Maliban pa rito ang mababang numero ng mga nagsasagawa ng transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno, gayundin sa mga pumupunta ng mga mall upang mag-shopping.


Kinumpirma ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-7) na tatanggalan nila ng prangkisa ang mga sasakyan na lumahok sa isinagawang strike ngayong araw sa Rehiyon-7 partikular na sa lungsod ng Cebu at Capiz.


Ayon kay Cebu kay LTFRB Asst. Reg. Dir. Renaldo Elnar, na isang violation sa terms and condition sa opisyal na prangkisa na ibinigay nila sa mga drayber o bus company.


Dahil dito, nagsagawa sila ng monitoring sa mga sasakyan o unit na lumahok sa nasabing strike para marekord at mapasailalim sa proseso at posibleng matanggalan ng prangkisa bilang parusa.


Iginiit naman ni Elnar na karapatan ng mga transport group ang pagsagawa ng strike pero hindi sa punto na maapektuhan at maparalisa ang takbo ng transportasyon sa Rehiyon.


Samantala ipinangako naman ni Cebu City Mayor Michael Rama na makikipagpulong ito mismo kay DOTC Sec. Jun Abaya para mapaabot ang hinaing ng nasabing grupo.


Ikinatuwa naman ito ng grupo at inaasahan ang positibong resulta.


Kung maalala, nagsagawa ng strike ang karamihan sa mga drayber dahil tutol ito sa pagpapatupad ng mas mataas na singil sa mga lalabag na batas-trapiko.


The post Biyahe sa Capiz, naparalisa sa protesta ng PISTON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Biyahe sa Capiz, naparalisa sa protesta ng PISTON


No comments:

Post a Comment