Thursday, June 5, 2014

Publiko pinag-iingat sa skin-whitening product sa online

PINAG-IINGAT ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng isang skin-whitening product na ipinagbibili sa social networking site na Facebook (FB), ngunit hindi naman rehistrado sa kanilang tanggapan.


Nakasaad sa FDA Advisory No. 2014-045 na inisyu ni FDA head Kenneth Hartigan-Go na ang produktong Luxxe Whitening, Enhanced Glutathione ay hindi rehistrado sa FDA bilang gamot o food supplement.


Ayon kay Hartigan-Go, itinuturing ng FDA na ang patalastas, promosyon at pagbebenta ng naturang produkto ay paglabag sa mga probisyon ng Republic Act No. 3720, na inamyendahan ng RA No. 9711, na nagbabawal sa pag-manufacture, pag-import at export, pagbebenta, pag-aalok para magbenta, distribusyon, pag-transfer, at non-consumer use ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA.


Anang FDA, nakasaad sa advertisement ng produkto na makikita sa FB na ito’y nakatutulong sa pag-aalis ng mga pekas, taghiyawat, at acne problems.


Nakalilinis rin umano ito ng internal organs tulad ng atay, nakaka-detoxify ng katawan at nakasisira ng free radicals na maaaring maging sanhi ng cancer at pinoprotektahan ang cell ng katawan.


Nakasaad din na ang produkto ay “FDA approved” at “Halal approved” at umani pa ng Global Brands at Top Brands awards.


Gayunman, nilinaw ni Hartigan-Go na ang Luxxe Whitening, Enhanced Glutathione ay may hindi katanggap-tanggap na claims bilang food supplement alinsunod sa BC No. 2 series of 1999.


The post Publiko pinag-iingat sa skin-whitening product sa online appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Publiko pinag-iingat sa skin-whitening product sa online


No comments:

Post a Comment