ITINANGGI ng kampo ni Janet Napoles na may alok siya na magsasauli ng P2 bilyon sa gobyerno.
Sa opisyal na pahayag na ipinadala ni Atty. Bruce Rivera, isa sa mga abogado ni Napoles, sila ni Atty. Stephen David ay na-misquote lamang ng media.
Ang nabigyang diin sa mga ulat ay ang dalawang bilyong piso na halagang sangkot sa mga inihaing kaso sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng paglustay sa pork barrel fund.
Kaya kung meron aniyang isasauli, ito ay dapat na batay sa halaga na nakasaad sa reklamo na hindi aabot sa dalawang bilyong piso.
Pero ang katotohanan, wala silang eksaktong halaga na inialok na isasauli dahil ayaw nilang pangunahan ang gobyerno sa mga kundisyon na itatakda nito k augnay ng kanilang hiling na maging state witness si Napoles.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Rivera na patuloy silang makikipagtulungan sa gobyerno at nakahanda rin silang sundin ang ilalatag na mga kundisyon ng pamahalaan.
The post Pagsasauli ng P2-B itinanggi ni Napoles appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment