Thursday, June 5, 2014

Pedicab, tricycle bawal na sa 40 major streets sa Maynila

HINDI na maaaring dumaan sa ilang pangunahing kalye sa Maynila ang mga tricycle at pedicab.


Ito ay bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaang lungsod para lalo pang maayos ang trapiko sa Maynila.


Nabatid na mahigit sa 40 pangunahing kalsada ang ipinagbabawal nang daanan ng mga tricycle at pedicab kabilang ang:


- Roxas Boulevard

- Pablo Ocampo (mula Taft Ave hanggang Roxas Blvd.)

- MH del Pilar (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo)

- Mabini (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo)

- Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang Osmeña Highway)

- Osmeña Highway

- Quirino Ave.

- Taft Avenue

- Kalaw

- UN Ave.

- San Marcelino (mula Quirino Ave. hanggang Romualdez St.)

- Pedro Gil (mula Quirino Ave. hanggang Panaderos)

- Guanzon Ave.

- Quirino Ave. Extension

- Ayala Blvd.

- Padre Faura

- Padre Burgos Ave.

- Finance Road

- Lawton

- Arroceros, Antonio Villegas

- Ayala Bridge

- Quezon Bridge

- McArthur Bridge

- Jones Bridge

- P. Casal St. (mula Ayala Bridge hanggang Mendiola)

- CM Recto (mula Mendiola hanggang Abad Santos)

- Legarda St.

- Ramon Magsaysay Blvd.

- V. Mapa St.

- Quezon Blvd.

- Rizal Ave.

- Escolta

- Quintin Paredes

- Plaza San Lorenzo Ruiz

- Jose Abad Santos Ave.

- AH Lacson Ave.

- Tayuman (mula A.H. Lacson hanggang Juan Luna)

- España

- Dapitan

- Laon-Laan (mula Alfonso Mendoza hanggang A.H. Lacson Ave.)

- Dimasalang

- Blumentritt (mula Aurora Blvd. hanggang North Cemetery)

- Road 10

- G. Tuazon at Adriatico (mula Padre Faura hanggang Quirino Ave.)


Kaugnay nito, nagkabit na rin ang Manila Parking and Traffic Bureau ng mga karatula na may nakasulat na “Bawal dumaan ang pedicab at tricycle dito” sa nasabing mga kalsada.


Matatandaan na ipinatupad ng lungsod ang bus ban, truck ban at ngayon naman ay tricycle at pedicab dahil na rin sa rami nito sa Maynila bukod pa sa naglipanang mga kolurum.


Nagpaalala na rin ang lokal na pamahalaan na magparehistro na sa Manila Tricycle Regulatory Office dahil ipatutupad na ang color coding sa Maynila.


Ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan ay maaaring ma-impound ang ipinapasadang sasakyan.


The post Pedicab, tricycle bawal na sa 40 major streets sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pedicab, tricycle bawal na sa 40 major streets sa Maynila


No comments:

Post a Comment