Saturday, June 7, 2014

NABAHAG NA MGA BUNTOT AT YAGBOLS

baletodo2 ISANG linggo na lang, opisyal na nga bang matatawag na Secretary of Justice si Atty. Leila de Lima?

Nino siya dapat magpasalamat, sa Diyos o kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles? Abangan.


Nakatutuwa ang mga mambabatas natin, ‘yung dati na tapang nila, wala, nabahag ang buntot at lumambot ang mga yagbols, o sige, mga bayag!


Noong una kasi ang tatapang nila na hamunin si Ate Leila na ilabas ang listahan nina Benhur Luy at kapwa niya whistleblowers. ‘Yung iba, naghamon pa na patunayan na sangkot sila batay sa listahan.

Eh, naglabas ng sariling listahan si Tita Janet, pung, naglutangan ang mga kulimbat ng Kongreso!


Sa mga nagdaan na taon ng pagsalang kay Atty. De Lima sa makapangyarihan na blackmailer ng Kongreso, ang Commission on Appointments (CA), halos hindi na siya isinasalang ng mga mambabatas natin sa paniniwalang mahinang klase si Leila. Ganyan din ang tingin nila kay black na, white pa na si Dinky “the stinky” Soliman ng DSWD.


But now ladies and gentlemen, the tagged corrupt lawmakers are even showing signs of monetary and legal distress na nakikipagbiruan pa ngayon kina De Lima at Soliman. Nangangatog at kumakalog ang mga bayag nila?


Not even ‘yung Section 20 ng Konstitusyon na isinisigaw ni Senadora Miriam Defensor Santiago para harangin ang dalawang babae sa buhay ni Benigno Aquino III, sina De Lima at Soliman ay hindi nagamit.


Nakapagtataka ito, ha. Ano ang katwiran ni Santiago, maysakit siya? Siguro kapag si Senador Juan Ponce Enrile ang nakasalang, walang duda, walang anomang sakit si senadora y daldaquina.


Dito ay malinaw, mga luno ang mga mambabatas natin. Sobra ang takot nila na masampahan din sila ng kasong plunder. Ibig-sabihin,takot na hindi na sila makababalik sa poder ng kapangyarihang pulitikal para makapagnakaw to the max.


Nakakahiya kayo. Talo pa ninyo ang inutil at mga nakakulong sa mental hospital!


Sa kabilang banda, talagang bulag, pipi at bingi na itong si Ombudsman Conchita Carpio Morales nang idiin niya mula sa Amerika na mayroon daw strong evidence at probable cause ang kasong plunder laban sa mga kalaban sa pulitika ng boss Noynoy niya. Ano ang totoong meron sa Amerika noong pumunta ka Ate Conching?


Sabi nga, singkong bulag man o milyon, kapag kinuha sa bawal na paraan, krimen iyan. Pero ano ang mahihita ng mga kalaban sa pulitika at kritiko ng administrasyong ito na masahol pa ang pamamahala sa martial law? Wala, puro urong ang bayag at bahag ang buntot nila!


The post NABAHAG NA MGA BUNTOT AT YAGBOLS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NABAHAG NA MGA BUNTOT AT YAGBOLS


No comments:

Post a Comment