YOU know what, Samantha? Nagtataka kami rito sa paborito mong sexy actor na si Dante Balboa. Halos nasa kanya na ang lahat nang katangian ng isang artista. Guwapo rin naman, maganda ang physique, maganda ang tindig niya at lalo na iyong tumitindig sa ibaba ng kanyang navel.
Hahahaha! Sayang sa internet lang ipinapakita niya at hindi sa pelikula. Sa true lang, miss na namin itong aming kaibigan na panoorin sa pelikula o sa telebisyon man.
Wala na ba siyang balak na balikan ang acting field na iniwanan niya? Actually, sabi ng malapit kay Dante Balboa, gusto rin naman niyang magka-project, infact may mga offers rin naman ang kaso walang katuturan ang istorya.
Ayaw naman ng sexy actor na basta na lamang tatalupan siya. Kailangan din namang meron acting para naman malaman ng mga tao na meron siyang ibubuga. (acting ang ibig naming tukuyin hindi iyong bumubuga sa ibaba. Hahaha, Charito!)
Basta mabigyan lamang siya ng tamang project, gagawin ni Dante ang lahat lahat ng kanyang makakaya. Ang paghuhubad ay hindi problema sa kanya kahit frontal nudity pa say pa ng malapit sa sexy actor. Makikita naman ang kanyang hubo na mga pictorials sa internet. Totoo nga bang bading ang taga kuha mo ng picture ha Dante? Just asking.
=0=
SASAYA na muli ang mga fans ni Willie Revillame dahil mapapanood na muli ang TV host comedian sa kanyang Game Show. Balik daw muli sa rati na gabi ang umpisa tulad nang una ng sila pa ni Shalani ang mag-partner sa show. Kumuha na raw ito ng bagong staff kasi ang iba ay nagsilipat na sa matagal sa pagkatengga. Ang loyal lamang kay Willie ang mga natira pati na rin sa mga dancers ay mga bago na raw.
Willie did not reveal kung anong TV station na kumuha sa kanya at masusorpresa na lamang daw ang kanyang tagasubaybay tatlong buwan mula sa araw na ito. Meron na siyang concept sa show at iyon pa rin daw ang dating mga sponsors na hindi bumitaw sa kanya. Aba masaya ito para sa mga senior citizens na mahilig manood ng live sa studio at ang mga writers too na parating bumibisita sa kanyang show. Kami rin ay natutuwa sa balitang ito na tuloy na ang pagbabalik ng kanyang programa.
-0-
NANINIWALA na kami na ang show business ay malupit talaga. Ito ang tinatawag na Dog eats Dog competition.
Maraming fans ni Edgar Allan ang nalulungkot kung bakit hindi na nila ito napanonood sa TV5 kung saan contract star nila ito. Mabuti pa raw ang mga wala pang name ay may mga project, samantalang siya na una nilang contract star ay wala ni isang nasalihan sa anumang programa kaya hindi maiwasan ang sumama ang loob niya.
Halos isang taon nang wala siyang ginagawa at siya raw ang breadwinner ng pamilya at kailangan niyang kumayod. Hindi kaya umiiral na naman ang palakasan dito at ang balita pa rin namin merong sulutan. Bad ‘yun ha? Ano pa ba ang bago sa industriya na ito may kanya kanyang bataan.
Ciao Bambino!
The post Willing maghubad basta’t may sense ang kwento! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment