HINIMOK ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na buhayin muli ng administrasyong Aquino ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Giit ni Ilagan na sa ganitong paraan aniya ay mapatutunayan ng administrasyon na seryoso ito sa pag-aayos at kapayapaan kung kaya dapat na maisulong muli ang pakikipag-usap sa NDFP consultants.
Inalmahan din ni Ilagan ang hindi pagpapalaya sa mga NDFP consultants gaya nila Wilma Austria at Benito Tiamzon dahil kinikilala naman na may immunity ang mga ito sa ilalim ng Joint Agreement for Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Nauna nang naghain ng House Resolution 162 si Ilagan na humihikayat kay Pangulong Aquino na isulong at maglatag ng policy direction para sa pangmatagalang kapayapaan at resumption ng peace negotiation sa NDFP.
The post Peace process sa NDF hiniling na buksang muli appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment