NAGMARTSA patungong semifinals ang mga llyamado sa last eight ng PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup.
Hindi binigyan ng pagkakataon ang mga teams na may twice-to-beat advantage ang kanilang mga katunggali para sumapa na agad sa Final Four.
Unang sumikwat ng semis seat ang Talk ‘N Text tropang Texters ng patalsikin nila ang Barako Bull, 99-84 sa unang sultada noong Martes ng gabi at sa pangalawang laro ay pinag-impake ng defending champion San Mig Super Coffee Mixers ang San Miguel Beermen, 97-90 na ginanap pareha sa Smart Araneta Coliseum.
Kagabi, sinikwat ng Rain or Shine Elasto Painters at Alaska Aces ang dalawang upuan sa semis.
Puminta ng 14 na tres ang Elasto Painters upang kaldagin ang Air21 Express, 111-90 sa unang laro at pagkatapos ay nilagok ng Aces ang Gin Kings, 92-81.
Nabiyayaan ng twice-to-beat advantage ang Tropang Texters, E Painters, Aces at Mixers dahil nakopo nila sa 1st, 2nd, 3rd at 4th place matapos ang nine-games single round robin ayon sa pagkakahilera.
Maghaharap sa best-of-five semis ang TNT at San Mig na uumpisahan mamayang alas otso ng gabi sa nasabing venue habang bukas ang Game 1 ng Ros vs Alaska.
The post Llyamadong teams sa PBA sampa agad sa semis appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment