BINIGYANG pugay ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ilang opisyal ng gobyerno ang ika-153 kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Luneta ngayong umaga.
Ang wreath-laying sa bantayog ni Rizal sa Luneta ay pinangunahan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.
Naroon din si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Carmelo Calmoria at mga opisyal ng Knights of Rizal.
Dumalo rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila, National Historical Commission, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), mga mason at mga miyembro ng Nasionalismo Katipunan o Rizalistas.
Nagbigay naman ng 21-gun salute ang Philippine Navy at Marines bilang pagpupugay kay Rizal.
The post Ika-153 kaarawan ni RIzal ginunita appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment