URBIZTONDO, PANGASINAN – Bumuo si 2nd district Rep. Leopoldo Bataoil ng isang task force na tinawag na “Task Force Balolong” na siyang mamumuno sa pag-iimbestiga sa pagpatay kay Mayor Ernesto Balolong, Jr., na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng isa pa.
Ayon kay Batalaoil, pamumunuan ni Deputy Regional Director for Operation (DRDO) Sr. Supt. Benjamin Hupilas, hepe ng Urbiztondo at San Carlos police, Pangasinan Provincial Office (PPO) at National Bureau of Investigation (NBI).
Aniya, lahat ng anggulo gaya ng pulitika, negosyo at personal ay kanilang titingnan upang matukoy ang motibo at identification ng mga suspek sa krimen.
Hihingan din ng mga awtoridad ang mga residente sa lugar na nakakita sa insidente ng impormasyon hinggil sa krimen.
Noong Sabado ng umaga, pinagbabaril si Balolong hanggang sa mamatay kasama ang dalawang bodyguard nitong sina PO1s Eliseo Ulanday at Edmund Meneses.
Si Rex Ferrer ay dinala sa RHU Urbiztondo Medical Center para sa medical treatment.
Ayon sa PPO, ang getaway vehicle ng mga suspek na isang Toyota Innova (dark gray) na may plakang YB-6600 ay narekober sa Barangay Caoayan, Urbiztondo.
Ayon sa PPO, ang mga suspek ay gumamit ng M-16 rifle at .9mm pistol sa pananambang sa mga biktima.
The post Pagpaslang sa alkalde sa Pangasinan iimbestigahan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment