DALAWANG araw nang nakatiwangwang ang isang bagong silang na sanggol na natagpuang nakalutang sa ilog na dugtungan ng Manila Bay at Pasig River, sa bahagi ng Vitas, Tondo, Maynila.
Nabatid na namamaga na ang bangkay ng sanggol na lalaki, na may nakakabit pang pusod ang natagpuan umano ng mga batang nangangalakal ng basura sa nasabing ilog na bahagi ng Barangay 105, Sitio Damayan, Ulingan sa Vitas, Tondo, sakop ng District 1.
Nabatid na mula nang ipaalam sa barangay ang pangyayari ay tila wala pang aksyon ang ginagawa ng barangay na nakakasakop sa lugar dahil hindi pa rin ito ini-report hanggang ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section.
Ayon sa isang freelance photographer, aksidente lamang niyang natuklasan at nakunan ng litrato ang bangkay ng sanggol na pansamantalang inilagay sa drawer ng kabinet na tinakpan lamang ng yero upang hindi lapain ng mga nagkalat na aso sa lugar.
Sa kanyang pagtatanong, alas-3:00 pa umano ng hapon noong Huwebes nang matagpuan ng mga batang nangangalakal ang bangkay ng sanggol. Inakala pa umano ng mga bata na isang manika ang kanilang natagpuan dahil maganda at malusog na parang hubad na “Sto. NiƱo” ang hitsura nito.
Nang ipaalam ng mga residente sa barangay hall na sumasakop sa lugar, tiningnan lamang umano ng mga barangay tanod at iniwan lang din na posibleng hindi man lamang itinawag sa pulisya.
Nag-aalala naman ang nga residente sa posibleng idulot ng bangkay sa kanilang kalusugan.
The post Bangkay ng sanggol, 2 araw ng palutang-lutang sa ilog appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment