Thursday, June 26, 2014

Pagbasura ng SB sa amyenda vs Revilla ikinagulat ni De Lima

NAGTATAKA si Justice Sec. Leila de Lima sa naging pagbasura ng Sandiganbayan 1st division sa amended information ng Office of the Ombudsman laban kay Sen. Bong Revilla at iba pang akusado sa kaso.


Ayon kay De Lima, hindi normal sa isang kaso na pigilan ang prosekusyon na maamyendahan ang kanilang reklamo kaya dapat na agad umanong maghain ng mosyon ang panig ng special prosecutors.


Gayunman, naniniwala si De Lima na kahit hindi mailusot ang amyenda sa reklamo ay matibay pa rin ang kaso laban sa mga akusado.


Magugunitang ang DoJ at NBI ang nangalap ng mga ebidensya at naghain ng kaso sa Ombudsman para sa naturang usapin.


Samantala, tuloy ang plano ng special panel of prosecutors at Office of the Ombudsman na ihabol ngayong araw ang amendments sa case information laban kay Sen. Jinggoy Estrada.


Ito’y sa kabila nang naging pagbasura kahapon ng Sandiganbayan 1st division sa kaparehong amyenda para sa kaso ni Sen. Bong Revilla.


Maging ang reklamo laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ay sinasabing babaguhin din upang maging akma sa plunder case na hinahabol ng prosekusyon.


Kabilang sa amyendang nais mangyari ng Ombudsman ay mabigyang-diin na ang mga senador ay utak mismo ng pork barrel scam at hindi si Janet Lim-Napoles.


Pero ang pinagbigyan lamang ng korte ay ang pagbabago ng mga functuation marks sa kopya ng complaint.


The post Pagbasura ng SB sa amyenda vs Revilla ikinagulat ni De Lima appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbasura ng SB sa amyenda vs Revilla ikinagulat ni De Lima


No comments:

Post a Comment