Thursday, June 26, 2014

Brown rice sagot sa rice shortage

PINAPLANO ngayon ng National Food Authority (NFA) na maibalik sa merkado ang borwn rice bilang tugon sa rice shortage sa bansa.


Ayon kay Rex Estoperez, tagapagsalita ng NFA, isang paraan ng ahensya ang pagdadagdag ng alokasyon ng bigas sa bansa para maibsan ang sinasabing kakulangan sa suplay ng bigas.


Unang inalis sa mga pamilihan ang brown rice dahil hindi ito pinapansin ng mga mamimili.


Giit ni Estoperez, malayong mas masustansya ang nasabing bigas kung ikukumpara sa ordinaryong bigas.


Maliban dito, balak ding magdagdag ng outlet ang NFA para sa mas maraming mamimili.


Ito’y alinsunod umano sa tema ng NFA na dagdag alokasyon, dagdag outlet, dagdag bantay, walang pagtataas presyo (DDDW).


Sinabi pa ni Estoperez na nadagdagan na rin ang suplay ng bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila na dating 12,500 bags na bigas ay aabot na ngayon sa 25,800 sa isang buwan.


Nakapag-angkat na rin umano ang NFA ng tonetoneladang bigas sa ibang bansa na magsisilbing stock sakaling kulangin ng suplay.


Una rito, siniguro ng Malakanyang na sapat ang suplay ng bigas bago ang anihan sa sa Setyembre.


The post Brown rice sagot sa rice shortage appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Brown rice sagot sa rice shortage


No comments:

Post a Comment