Thursday, June 26, 2014

Magsasaka, tutol sa kemikal na pamuksa sa cocolisap

MARIING tinanggihan ng ilang coconut farmer ang paggamit ng toxic chemicals bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra sa mga pesteng insekto na “cocolisap”.


Ayon kay Rene Pamintuan, Presidente ng Save the Coconut Movement, sa halip na makatulong ay nakasisira pa ang kemikal na neonicotinoids na ginagamit na pamuksa ng mga naturang peste.


Nilinaw nito na isa itong uri ng insecticide na kahalintulad ng nicotine na nakalalason sa mga puno ng niyog at nagkakaroon ng negatibong epekto sa pamumunga.


Samantala, tumaas na ang presyo ng mga coco-product partikular ang ipinagmamalaking buko pie ng Laguna dahil sa mga peste.


The post Magsasaka, tutol sa kemikal na pamuksa sa cocolisap appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magsasaka, tutol sa kemikal na pamuksa sa cocolisap


No comments:

Post a Comment