PORMAL nang itinalaga si Manny Pacquiao bilang head coach ng Kia Motors sa next season ng Philippine Baskeball Association (PBA).
Ayon kay Sarangani Rep. Pacquiao, patutunayan niya na hindi lamang siya sa boxing magaling kundi pati na rin sa basketball.
“Kailangan ko mapatunayan, ‘di lamang sa boxing, kundi sa basketball ang aking gilas,” ayon kay Pacquiao.
Hindi naman malaman ni Pacquiao kung maglalaro rin siya ngunit sa kasalukuyan ay naka-focus siya bilang isang coach.
Kung maalala nitong nakalipas na buwan ay naging bahagi ng debate kung maaari ba siyang maglaro rin, samantalang may patakaran ang PBA na kailangan ang mga players ay dumaan sa draft.
Liban sa pagiging professional boxer, si Pacquiao ay playing coach din ng kanyang team sa Liga Pilipinas na MP GenSan Warriors.
Nilinaw naman ni Pacman na boksing pa rin ang kanyang magiging pangunahing pagtutuunan ng kanyang oras.
The post Pacman pormal nang head coach ng Kia appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment