Monday, June 9, 2014

Fare matrix ipamamahagi hanggang Biyernes

UUMPISAHAN na sa Hunyo 14, ang P8.50 minimum na pamasahe sa mga jeep sa Metro Manila, Region IV at Region III habang P1.50 ang dagdag sa biyaheng higit sa unang apat na kilometro.


Para sa mga jeep na pumapasada sa loob ng Metro Manila, ipinamamahagi ng LTFRB ang kopya ng tarima sa Amoranto Sports Complex sa Roces Avenue, Quezon City.


Sa Lipa City naman makakakuha ng kopya ang jeepney driver at operators sa Region IV habang sa San Fernando ipinamimigay ang para sa mga bumibiyahe sa Region III.


Sa oras na makakuha ng kopya, maaari nang ipaskil ng mga driver sa kanilang jeep ang abiso tungkol sa taas-singil.


Tatagal hanggang Biyernes, Hunyo 13, ang pamamahagi ng mga kopya ng tarima.


Paglilinaw ni LTFRB Central Office Technical Division Head Lilia Coloma, libreng ipinamamahagi ang tarima.


Taliwas ito sa P50 bayad para sa para sa bawat kopya ng tarima noong mga nakalipas na panahon.


Paliwanag ni Coloma, ito’y dahil hindi na nakasaad sa fare matrix ang plaka ng sasakyan at control number.


Dahil dito, maaari nang ipa-photocopy ang fare matrix para sa mga transport group na mamamahagi naman ng mga ito sa kanilang miyembro.


Samantala, binanggit ni Coloma na sisingilin na lamang sa mga operator ang P520 na fare increase fee sa kada prangkisa sa oras na magkaroon na ng transaksyon sa Land Transportation Office (LTO).


The post Fare matrix ipamamahagi hanggang Biyernes appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Fare matrix ipamamahagi hanggang Biyernes


No comments:

Post a Comment