Monday, June 9, 2014

Jinggoy tinawag na ‘kosa’ ni Bong

“HANDA akong mapiit at magsakripisyo dahil sa tamang panahon ay lalabas din ang katotohanan.”


Ito ang sinabi ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr., sa kanyang privilege speech sa Senado.


Makaraang batikusin si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pagkakasabit sa pork barrel scam ay inisa-isa rin ni Revilla ang pagpapasalamat sa kanyang pamilya hanggang sa kanyang mga kasama sa Senado, mga kaibigan at mga empleyado.


Nagawa pang magbiro ni Revilla nang tawaging “kosa” si Senador Jinggoy Estrada at sabihing magbati na sila ni Senador JV Ejercito.


Ani pa ni Bong, “makulong man ako ay hindi nila makukulong ang aking pangarap at pagmamahal sa bayan.”


The post Jinggoy tinawag na ‘kosa’ ni Bong appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jinggoy tinawag na ‘kosa’ ni Bong


No comments:

Post a Comment