Tuesday, June 10, 2014

OMBUDSMAN TULOG SA KASO NI SAN PEDRO

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB DALAWANG taon na ang nakalilipas ay wala pa ring matibay na resulta ang kasong graft na isinampa laban kay dating Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro.


Ito ang nakakalungkot na katotohanan sa itinatakbo ng multi-million graft cases ni San Pedro gayung malinaw naman na sapat ang ebidensyang isinumite ng kanyang dating tauhan, na nakonsensya dahil sa talamak na katiwalian sa administrasyon ng dating alkalde.


Ayon daw sa mga imbestigador ng Ombudsman ay mas prayoridad nila sa ngayon ang kurakutan sa pork barrel ng mga mambabatas ng bansa kaya’t nganga muna ang kaso ni San Pedro.


Nakakaawa tuloy ang katayuan ngayon ng nagpusirge sa naturang kaso na si Abel Sumabat, dating miyembro ng Bids and Awards Committee ng Muntinlupa at dati ring internal auditor ng lungsod.


Si Sumabat ay dalawang taon nang mahigit hindi nakakasama ang kanyang pamilya dahil nasa pangangalaga ito ng Department of Justice (DoJ) sa programang Witness Protection Program.


Sa sulat ni Sumabat sa Ombudsman, pinaliwanag nitong parehas na pera ng mamamayan ang nilustay sa kaso ni San Perdo at ng mga pork barrel solons kaya’t dapat na nila itong aksyonan at isampa sa Sandiganbayan.


Lumilinaw rin sa ngayon na talagang may kakuparan ang hustisya sa bansa dahil mahigit dalawang taon na ang nakalilipas ay malayang-malaya pa rin si San Pedro.


Nabubuo tuloy ang hinala ni Sumabat na posibleng may milagrong nangyayari sa tanggapan ni Conchita Carpio-Morales dahil parang sinasadya na umano ang pagpapatulog sa kasong kanyang isinampa.


Sinabi rin ni Sumabat na panahon na para tutukan ng Ombudsman ang kurakutan sa mga lokal na pamahalaan dahil mas talamak ito at mas malakihan.


The post OMBUDSMAN TULOG SA KASO NI SAN PEDRO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



OMBUDSMAN TULOG SA KASO NI SAN PEDRO


No comments:

Post a Comment