Tuesday, June 10, 2014

KADIKIT NG LABOR KAYA LAGING ABSWELTO

johnny_magalona103 BIGYAN uli natin ng daan sa espasyong ito ang isa pang text message mula sa isang concerned citizen ng Bicol, Camarines Norte ukol sa wala sa minimum na pasahod sa mga trabahador ng Labo Shell Station.


Eto ang reklamo ng ating concerned citizen:


Good am, Sir Johnny M. Pakikalampag naman itong Labo Shell Station dito sa Bicol sa Camarines Norte.


Wala sa minimum ang pasahod tapos ‘pag holiday ‘di double pay. Dati nga 12 hours kami rito.

Ginawa lang na 8 hours noong Nov. 15, 2013.


Wala, sir, kaming masumbungan dito dahil hawak nila ang Labor sa Daet hanggang sa Naga.


‘Pag napunta rito sa Labo Shell Station ‘yung taga-Labor, ang diretso nila ay sa opisina imbes na sa mga tauhan ng Shell para tanungin kami.


Paano ay nababayaran sila! Sana, sir Johnny, ay matulungan n’yo kami na tumaas ang aming sahod at maging double pay ‘pag holiday.


Salamat!!


TONG-COLLECTOR NG NCRPO


ANO ba ito, bakit walang takot na nangongotong sa mga iligal na pasugalan at putahan sa buong Metro Manila itong sina alyas Sir Uy, Tata Cris, Falwart alyas Owan at isang Castor at kanilang iniintrega ang koleksyon sa isang SPO4 Boy Cruz na binigyan daw ng basbas ng isang Col. Macaraeg ng R6?


Ang tanong: alam kaya ito ni NCRPO chief Gen. Mel Valmoria na kumikilos ang mga tong-collector na gamit ang NCRPO sa pangongotong sa putahan at sugalan sa Metro Manila?


VK NAGKALAT SA PARAÑAQUE


SA Parañaque ay sangkatutak ang nakalatag na mga video karera ni Vic dela Cruz.


Ewan natin bakit hindi kumikilos si Supt. Ariel Andrade laban sa mga vk.


o0o

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o email sa juandesabog@yahoo.com


The post KADIKIT NG LABOR KAYA LAGING ABSWELTO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KADIKIT NG LABOR KAYA LAGING ABSWELTO


No comments:

Post a Comment