NAG-FULL tank na ba kayo ng inyong gas sa sasakyan, parekoy?
Dahil gandang Monday morning tayo ngayon.
Bakit ka ‘nyo? Aba…nagpatupad daw ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang tatlong kompanya ng langis.
Kataka-taka! Dati kasi, tuwing Martes ng hatinggabi o ala-6:00 ng umaga ang pagbabago ng presyo ng langis subalit mukhang na-adjust ano, parekoy?
Sabi ng Petron, simula alas-12:01 ng hatinggabi ay may 1.10 bawat litro na tapyas sa presyo ng diesel.
Nasa 90 sentimos bawat litro naman ang bawas sa presyo ng gas habang 70 sentimos bawat litro sa kerosene.
Kakataka….hak hak hak!
Pero duda ako rito, parekoy, hindi kaya pampalubag loob lamang ito sa nakatakdang pagtaas ng pamasahe sa jeep?
Dangkasi naman, parekoy, sa June 14, P8.50 na ang minimum fare sa jeep.
Hindi na talaga napigil at isinisi ito ng PISTON, ‘yung samahan ng jeepney operator at driver, hindi ang basketball sa NBA, ang hindi mapigil na paggalaw ng presyo ng langis.
Oo nga naman, parekoy, bakit ba walang magawa ang pamahalaan para pigilan ang oil price hike o kaya naman magawan ng paraan?
Pangunahing biktima nito kasi ang ordinaryong mamamayan dahil tataas ang presyo ng bilihin at lahat-lahat na. Tsk…tsk…tsk…
PASUGALAN SA QC NATABUNAN
NGISING demonyo raw, parekoy, si Pinong nitong mga nakaraang araw.
Kasi naman, hindi napansin ang pagtuligsa sa kanya.
Of course, ang dami kasing istoryang bumalandra sa pahayagan at mas nanaig sa mga banner page si Napoles at ating mga mambabatas.
Pwera pa riyan ang kinahaharap ng limang police generals tungkol sa naglahong AK47 firearms… kaya naman ang lakas ng tawa ni Pinong… mas malakas pa sa aking “hak hak hak!”
Pwes, Pinong… easy ka lang diyan, ha… mahaharap din ang matindi mong operasyon diyan sa Quezon City na ang base ay nasa Brgy. Batasan at Fairview, na ang isinisigaw na patong ay mismong mga tao ni SILG Mar Roxas at ilang opisyal ng CIDG.
Kung totoo na tumbok nga sa opisina ni Roxas itong iligal na sugal ni Pinong, aba, eh, may karapatan nga na magbunyi ang hijo de puta.
Ang masaklap lang ay sa panig ni Mar Roxas dahil kung ngayon pa lang ay nagkandasabit-sabit na ang kanyang pangalan sa iligal na sugal, ano pa kaya kung siya na ang Pangulo ng bansa?
Kaya, mga parekoy, ibagsak si Roxas sa 2016. Ehek!
Iligal na sugal pala ni Pinong ang dapat ibagsak! Hak, hak, hak!
The post OIL PRICE HIKE: SUMPA O TADHANA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment