IPINAGKALOOB ng Dakilang Lumikha ang kagandahan ng kapaligiran sa tao, kaya dapat lamang na ito’y ingatan. Ngunit, hindi natin matatanto ang kalikasan kung kailan ito magngingitngit upang manira.
Kung maglalakbay tayo sa dulong hilaga ng Luzon, ay matatagpuan natin ang isang mala-paraisong lugar na kung saan kakaunti pa lang ang nakararating dito. Ito ang “Isla Batanes.”
Ang Batanes ay pinananahanan ng ating mga kababayang Ivatan. Ayon sa kasaysayan, noong araw ang Batanes ay daanan ng malalakas na bagyo kung kaya’t ang mga bahay sa naturang lugar ay gawa sa purong bato. Malalapad ang mga haligi, kaya’t nagmumukhang maliliit lamang ang mga espasyo nito sa kalooban.
Ang atip at bubong ay gawa mula sa cogon grass. Kaya nga sa kabuuan ay matibay laban sa malalakas na bagyo.
Ayon kay DENR – Provincial Environment Natural Resources Officer (PENRO) George R. Reyes, CESO V, “Ang Batanes ay hindi gaanong nararating ng mga tao mula sa ibang lugar, sa katunayan mayroon lamang itong 16,000 na populasyon. Hindi ito nadaragdagan sa paglipas ng panahon, sapagkat karaniwan sa mga naninirahan ay nagtutungo sa mga karatig na lalawigan tulad ng Tuguegarao, Cagayan, upang doon na tuluyang mamalagi.
Lubhang malaki ang nagawa para sa mga Ivatan nang madalas na pagdaan ng malalakas na bagyo sa lugar kung pag-unlad sa buhay ang pag-uusapan. Tulad na lamang sa kanilang siyensya, teknolohiya at sa kanilang makabagong pamumuhay.
Subalit, lahat ng nabanggit ay matagal na panahon nang nangyari, yaon ay noon pang madalas daanan ng bagyo ang Batanes.
Sa ngayon, ayon kay OIC Nestor C. Reyes, PENR Chief Management Services Division, at sa mga naninirahan sa Batanes, mahigit 10 taon na silang hindi dinadalaw ng bagyo.
Ang klima sa Batanes ay presko at kaaya-aya, sapagkat, ang temperatura ay balanse mula Disyembre hanggang Pebrero. Ang tag-araw naman ay mula Marso hanggang Hunyo.
The post BATANES LUNSARAN NG MGA BAGYO NOON appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment