Sunday, June 8, 2014

LAGING SABLAY ANG DEPED

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB1 TAMA ang mga mambabatas na mukhang hindi kayang patakbuhing maayos ni Sec. Armin Luistro ang Department of Education.


Ito ang kasi ang taon-taon na lumalabas kapag dumarating ang pasukan ng ating mga mag-aaral lalo’t higit sa mga pampublikong paaralan, maging ito man ay elementarya o high school.


Hindi kaaya-aya ang paliwanag ng DepEd lalo’t higit sa usapin ng kakulangan ng silid-aralan dahil palagian nilang pinagmamalaki na sapat na ang classrooms para sa ating mga mag-aaral.


Laging pinagmamalaki ni Luistro na naabot na nila ang kanilang target sa usapin ng silid-aralan pero kapag ayan na ang pasukan ay talaga namang mapamumura ka sa galit dahil talaga namang ito ay isang propaganda lamang pala.


Para sa kakulangan lang pala sa school year 2010 ang sinasabi nilang okey na.


Tama nga ang punto ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian na sobra-sobra na ang dahilan ng DepEd sa usapin ng classrooms kaya’t malinaw naman na nagkulang ito sa pangangalaga ng ating mga kabataang mag-aaral.


Malinaw sa obserbasyon nina Rep. Gatchalian at Senador Nancy Binay na maraming paraang ang DepEd para maisakatuparan ang kanilang target na bilang ng silid-aralan.


Pero dahil nga hindi nila ginawa ang lahat ay nanatiling nganga ang ating mga mag-aaral, lalo na sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda at ng malakas na lindol sa Bohol, Cebu, atbp.


Maging ang implementasyon ng DepEd ng K+12 ay talaga namang sablay dahil nagdagdag sila ng karagdagang grado sa mga mag-aaral pero hindi naman sila nagdagdag ng silid-aralan at guro.


Samakatuwid ay panahon na para baguhin ni Pang. Noynoy ang DepEd officials dahil nakakahiyang ipinagmamalaki niyang sapat ang silid-aralan sa bansa gayung hindi naman ito ang totoong nagaganap sa sektor ng edukasyon na lubha namang napababayaan.


Mayroon pang ilang panahon para magtuwid kaya nawa’y pakinggan ito ng Malakanyang dahil kawawa naman ang mga kabataang umaasa sa kalinga ng pamahalaan.


The post LAGING SABLAY ANG DEPED appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LAGING SABLAY ANG DEPED


No comments:

Post a Comment