Monday, June 9, 2014

Nude photos ni Sheryn Regis, ipakikita raw ng ex niya

MANANAHIMIK na lang daw sana si Ms. Emy Madrigal sang-ayon sa isang close friend nito sa show business pero nagulat ito sa isang interview supposedly ng kontrobersyal na recording artist na si Ms. Sheryn Regis sa isang tabloid kung saan buong ningning na idenenay nito ang allegations ng una na nagkaroon sila ng relasyon.


Bagama’t wala namang incriminating statement na pinakawalan ang biriterang singer, nasaktan daw ang businesswoman dahil pinalalabas ni Sheryn na na-misunderstood lang daw ni Ms. Emy ang kanyang pagiging Ms. Amity o pagiging intrinsically friendly.


Natawa lang ang friend ni Ms. Emy sabay taas ng kilay. Masasabi raw kaya ni Sheryn na nag-iilusyon lang si Ms. Emy in the event na ilabas nito ang ilang sizzling prima facie evidences na nagkaroon nga sila ng relasyon?


Well, according to Ms. Emy’s loyal supporter, it’s for the singer to do some explaining then.


“And she’d better do it the soonest, kapatid!” so says Ms. Emy’s friend. “Kung bakit kasi ang lakas ng loob niyang mag-deny gayung alam naman niyang totoo ang sinasabi nu’ng tao (Emy).


“Sana deadma na lang siya at nag-no comment na lang at hindi ‘yung pinalabas pa niyang sinungaling si Ms. Emy. I could just imagine how shocked she is going to be the very moment she gets to see in print some of her sexy pics na kinabog talaga sina Amanda Amores and company!”


Ganuned?


Speechless na lang daw kami. Hahahahahahahahahahaha!


SPECIAL TALK SHOW SA PEPITO MANALOTO NGAYONG LINGGO


NGAYONG Linggo (Hunyo 15), mapupuno ng saya ang weekend evening ng mga manonood dahil magkakaroon ng isang special talk show sina Pepito Manaloto (Michael V.) at ang iba pang mga cast.


Sa kanyang taglay na natatanging husay sa pagpapatawa, tiyak na mapasasaya ni Pepito ang mga manonood bilang host ng special talk show na ito. Dito ibabahagi nina Elsa (Manilyn Reynes), Patrick (John Feir), Tommy (Ronnie Henares), Deedee (Jessa Zaragoza), Mimi (Nova Villa), at Direk Bert de Leon ang kanilang mga masasayang karanasan sa likod ng kamera. Sasagutin din nila ang mga tanong ng kanilang mga Facebook fans at Twitter followers.


Samantala, ipapasyal ng mga anak ni Pepito na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) ang mga manonood sa set ng well-loved Kapuso sitcom na ito upang ibahagi kung paano nabubuo ang kanilang palabas.


Mapanonood din sa episode ngayong Linggo ang mga special videos tungkol sa kumplikadong lovelife ni Chito at ang mga nakatatawang bloopers nila sa taping.


Makisaya at makigulo sa special talk show ng pamilyang milyonaryo ngayong Linggo sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng Picture! Picture! sa GMA 7.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Nude photos ni Sheryn Regis, ipakikita raw ng ex niya appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nude photos ni Sheryn Regis, ipakikita raw ng ex niya


No comments:

Post a Comment