Monday, June 9, 2014

Isang artista na sumusunod sa direktor, nagre-rehearse..kinakabahan!

MARAMI ang natuwa kay Mayor Herbert Bautista na mas pinili niya ang kanyang mga anak kesa sa pag-ibig niya kay Kris Aquino.


Aminado si Mayor Bistek na minahal niya si Kris pero hindi niya maipaglaban dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak.


How true na naimbudo raw si Kris sa mga pahayag ni Herbert sa kanyang interview?


Pero sigurado naming lumulundag ang puso ng mga anak ni Mayor Bistek kina Ma’am Tates Gana at nagngangalang Eloisa.


‘Yun na!


-0o0-


AYAW pa rin umamin ni Matteo Guidicelli sa real score sa kanila ni Sarah Geronimo.


“Ewan ko kung tamang panahon ba but wala naman akong dine-deny. Wala naman akong sinabi. Basta we are just enjoying every moment and just doing our own thing,” sey ni Mat sa isang panayam.


“I think it’s time for Sarah to enjoy her life more. She’s already 25 and she’s starting to enjoy everything much more. I’m happy for that,” dagdag pa niya.


Ipinakilala na ni Mat si Sarah sa mommy niya. 0key naman daw lahat.


Talbog!


-0o0-


MASABING taon ni Direk Louie Ignacio ang 2014 dahil sobrang dami niyang proyekto. Meron siyang Cinemalaya entry na Asintado with Aiko Melendez, Jake Vargas, Gabby Eigenmann, etc. tapos may morning show siya na Basta Every Day Happy with Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra De Rossi at Chef Boy Logro. Meron din siyang children show na Tropang Pochi.


Sa June 21 balitang magsisimula na rin ang dance show ni Marian Rivera sa GMA 7 na kung saan sa pilot ay guests niya sina Vilma Santos at Maricel Soriano.


Co-host ni Marian si Paolo Ballesteros kaya ‘wag tayong magtaka kung bigla nating mapanood si Paolo na mag-impersonate ng mga Hollywood at local na celebrity.


“Umuulan ng blessings. Meron pang isang papasok na show pero hindi pa puwedeng sabihin,” bungad niya sa amin.


“Sabi ko nga, uy totoo nga na susuwertehin ako ngayong 2014 kasi bumalik ‘yung mga gusto ko idirek na bagay sa akin,” dagag pa ni Direk Louie.


Ano ang masasabi niya na nag-taping na sila ng pilot episode ng Marian?


“Na-starstruck ako nang dumating si Ate Vi at saka si Maricel kasi first time sa isang show na, biruin mo si Ate Vi sa GMA gumagawa ng Vilma, before ngayon si Marian na ang pinupuntahan niya at nag-ge-guest siya. So, meaning parang si Marian na ang susunod na Vilma, na Loveliness,” ‘di ba ganon?


“Sobrang saya ko for Marian kasi in fairness to the girl, kinarer niya ang lahat ng production numbers..perfect as in kahit pagod na pagod na siya for three consecutive days na nagre-rehearse siya para run sa mga numbers,” sey pa ni Direk.


Na-excite ba si Direk sa show na ito?


“Sobra. Ito ang dream ko na bumalik sa musical show, na ‘yun talaga ‘yun forte ko and with Marian pa so ibang-iba,” aniya pa.


First time ba niya si Marian na idirek?


“For major show, yes pero madalas ko na siya sa SOP, Party Pilipinas,” tugon pa niya.


Kumusta katrabaho si Yan?


“Wala. Parang ordinaryong tao na marunong kabahan, ninenerbyos, parang dinadaga ‘yung dibdib pag lumalabas sa stage, ganoon lalo na nu’ng kasama niya si Ate Vi, starstruck pa rin siya, ‘yung ganoon. Hindi siya ‘yung Marian na sinasabi nila na primadona, hindi. Nakita ko siya rito na isang artista na sumusunod sa director, nagrerehearse, pinag-aaralan ‘yung kanyang show,” sey pa niya.


Ano ang mas maganda ‘yung pasabog ni Vilma o ‘yung pasabog ni Maricel sa show?


“I-enjoy mo ang Europe,” pag-iwas ni Direk sa tanong.


Tungkol naman sa pelikulang Asintado, magla-last 2 shooting days na lang at magpo-post production na sila.


“Na-record ko na lahat ‘yung musical scoring ko with Danny Tan as compose, sung by Jonalyn Viray. Tapos, ang special theme song ay kinumpose naman ni Cloc9 at si Lirah Bermudez ang kumanta. Parang unti-unti nang nakukumpleto ‘yung rekados ng pelikula. Showing na ito sa August 2.


Wala ba siyang sakit ng ulo sa pagiging director at producer ng Asintado?


“Nagi-enjoy ako pero of course problema ang pera, pero habang nakikita mo ‘yung produkto ng sinu-shoot mo, parang ginaganahan ka pa lalo. Hindi mo iniisip ‘yung gastos kasi maganda ‘yung material,” bulalas pa niya.


Pinupuri din ni Direk ang kanyang artista na si Aiko Melendez.


“Wala siyang reklamo. Indie budget ito pero wala siyang reklamo. Tapos, ibinigay niya ang the best niya. Basta ang galing-galing niya, si Jake Vargas, magaling ‘yung buong cast, kumpleto, happy ako,” aniya pa.


Boom Patok!


The post Isang artista na sumusunod sa direktor, nagre-rehearse..kinakabahan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Isang artista na sumusunod sa direktor, nagre-rehearse..kinakabahan!


No comments:

Post a Comment