AYAW patulan ng Malakanyang ang ma-drama at mga pasaring na binitiwan ni Senador Bong Revilla, Jr. sa kanyang privilege speech kanina sa Senado.
“We are not inclined to comment at this point,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda habang “no comment” naman ang naging tugon ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Sa naging privilege speech ni Senador Revilla ay mapapansin na hinamon nito si Pangulong Benigno Aquino III na lutasin ang problema ng kahirapan sa bansa.
Ito’y matapos aniya na maging abala ang Punong Ehekutibo na maitulak at mapagtagumpayan ang paghahain ng kasong plunder laban sa kanya at kina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada kaugnay ng pork scam.
Bukod dito, umapela rin si Senador Revilla sa lahat na pairalin ang pagkakaisa at hindi ang political division.
“Lead this country not with hatred but with love. Lead the country with unity and not partisanship,” ang pasaring na pahayag ni Senador Revilla kay Pangulong Aquino sa kanyang privilege speech.
Matatandaang noong nakaraang Enero sa kanyag unang privilege speech ay mariing pinabulaanan ni Senador Revilla ang kanyang pagkakasangkot sa pork scam.
Ginamit din nito ang kanyang talumpati upang bakbakan ang Aquino government.
The post ‘Drama’ ni Bong ‘di tumalab kay PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment