Wednesday, June 11, 2014

Nanay ng aktor inis na inis sa ka-loveteam ng anak

SA harap ng kamera ay pinupuri ng nanay ng aktor ang ka-loveteam ng kanyang anak, pero sa likod nito ay inis na inis pala ito.


Hindi raw nito type ang aktres na mahinhin pero mahi…hindutin pala. Natatakot kasi si madir na baka magbunga ang chorvahan ng dalawang magkatambal. Mismong ang girl pa raw ang pumupunta sa balaysung ng lalaki para lamang magpa-dyug.


Nagtataka raw si madir kung bakit dati naman ay sa sala nag-uusap ang dalawa at kung minsan nga sa labas pa ng bahay, ngunit ngayon ay sa loob na ng kuwarto ng aktor nagkukuwentuhan ang mga ito nang matagal.


Sa pagkairita ng nanay pati sa driver ay nasasabi nito ang kanyang pagkadisgusto sa malanding aktres. Ke bata-bata pa raw karingking na.


Hangang kailan kaya ang magpipigil ng huli? Abangan na lamang natin ang pag-open up ng maderaka sa kanyang ill-feeling sa kapareha ng kanyang binata.


***


DEAR BOSSING, BAGONG COOKING SHOW NI VIC SOTTO SA GMA


NOONG Mayo 27, inilunsad ng GMA Network at Monde Nissin Corporation ang pinakabagong cooking show na magbibigay solusyon sa iba’t ibang problema sa kusina sa programang Dear Bossing.


Tampok sa 5-minute cooking show na ito ang well-loved comedian, TV host at celebrity dad na si Vic Sotto bilang host ng programa. Bibigyang kalutasan ng Dear Bossing ang mga problema sa pagluluto ng mga mommies at manonood gamit ang “LUCKY ME! NAMNAM TOMATO.”


Kasama ni Vic sa Dear Bossing ang seasoned actress at mom of three boys na si Manilyn Reynes at former MalacaƱang Palace Executive Chef Aurora Babes Austria. Si Chef Babes ang naging pinakaunang woman executive chef sa bansa noong 2005.


Sa loob ng kanyang state-of-the-art, at technologically advanced headquarters, sasagutin lahat ni Bossing Vic kasama ng kanyang kitchen angels na sina Manilyn at Chef Babes ang lahat ng katanungan ng mga manonood at letter senders sa paghahanda at pagluluto ng masarap at budget-friendly tomato dishes para sa buong pamilya gamit ang NamNam Tomato.


Ang pinakabagong Lucky Me! Namnam Tomato ay may perfect blend ng karne, buto, at spices na tiyak na mas magpapasarap at magdadagdag ng linamnam sa mga pagkain na may lasa ng real tomatoes. Lahat ng flavours ng Lucky Me! Namnam Tomato ay nakapaloob sa isang sachet na mas madaling gamitin ng mga mommies sa kanilang mga lutuin.


Hinihikayat ang lahat ng mga mommies at manonood na may katanungan at problema sa kusina na ipadala ang kanilang mga sulat kasama ang kanilang pangalan, address at contact details sa http://ift.tt/1s52rSk o i-submit ito sa drop boxes na makikita sa GMA Network Center.


Mapapanood ang Dear Bossing tuwing Martes at Huwebes bago mag-The Ryzza Mae Show sa GMA.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Nanay ng aktor inis na inis sa ka-loveteam ng anak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nanay ng aktor inis na inis sa ka-loveteam ng anak


No comments:

Post a Comment