Wednesday, June 11, 2014

SINUPORTAHAN NG MANILA WATER ANG BRIGADA ESKWELA NG DEPED

BUONG pwersang sinuportahan ng Manila Water ang taunang programang Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) upang tulungang maihanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.


Ayon kay Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz, “Ang Manila Water ay kabalikat ng DepEd mula pa noong 2003 sa programang Brigada Eskwela at patuloy na katuwang ng kagawaran sa pamamagitan ng aming programang Lingap Eskwela.”


Lumahok ang mga empleyado ng kompanya sa isinagawang clean-up drive sa iba’t ibang paaralan ng Mandaluyong, Pasig, Pateros, Cubao, Balara, San Juan, Makati, Taguig, Antipolo at Rodriguez, Rizal na nasasakupan ng Manila Water.


Kabilang na rito ang Ricardo P. Cruz Elementary School, Project 6 Elementary School, Andres Bonifacio Integrated School, Highway Hills Integrated School, Andres Bonifacio Integrated School, Mandaluyong High School, Bagong Pagasa Elementary School, Malaya Elementary School, Old Balara Elementary School, Culiat High School, Libis Elementary School, Cembo Elementary School, Poblacion Elementary School, Margarita Roxas Elementary School, R. Palma Elementary School at Aguho Elementary School.


Bukod sa paglilinis ng mga bakuran ng paaralan at silid-aralan, tumulong din ang mga empleyado sa pagkukumpuni at paglilinis ng mga palikuran at wash areas pati na rin ang pagpipintura ng mga upuan at mesa ng mga estudyante.


“Nagkaloob din ang Manila Water ng serbisyong pagsisipsip ng poso-negro sa mga paaralan sa East Zone kabilang na ang pagsasagawa ng potability test upang siguruhing ligtas na inumin ang tubig mula sa mga drinking fountains sa iba’t ibang paaralan,” dagdag ni Dela Cruz.


The post SINUPORTAHAN NG MANILA WATER ANG BRIGADA ESKWELA NG DEPED appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SINUPORTAHAN NG MANILA WATER ANG BRIGADA ESKWELA NG DEPED


No comments:

Post a Comment