Wednesday, June 11, 2014

Former member ng Viva Hot Babes, natitiyaga na lang sa ‘barya-barya’

DATING miyembro ng Viva hot babes ang bida natin sa column ko ngayong araw.


Pakalat-kalat na lang sa mga maliiit na club mag-show ang isang sexy pa namang dating Viva hot babe. Bagama’t may edad na rin, panay ang hataw pa nito sa mga shows sa club sa Angeles, mga autoshow at mga nude photoshoot sa halagang barya-barya na lang basta’t mairaos lang ang hirap ng buhay.


Sa ngayon, kahit magpakita ng kanyang buong katawan sa stage sa club ay ginagawa ng dating viva hot babe na naging OFW dati sa ibang bansa. Hindi nga namin malaman kung bakit bumalik pa ito ng bansa, malaki naman ang kita niya roon bilang isang pokpok. Baka mahina na ang beauty niya ro’n kung kaya’t dito ulit siya humahataw.


In fairness, mabait naman sa media ang dating Viva hot babe na ito. Kaso, medyo nawalan ng pera kaya minsan nagtatago sa kanyang mga kaibigang bading na reporter. Hindi kasi maamin nitong wala na siyang pera at ngayon lang ulit nag-iipon.


Pero sad to say, barya-barya na lang ang kinikita niya sa Pilipinas. Clue? Ang dating Viva hot babe ay may kaugnayan sa pangalan ng isang politiko.


&&&&&


ISA sa mga magaling na singer sa Japan itong si Jackyleen Critan na dating girlfriend ng isang singer na baguhang alaga ng isang movie reporter.


Pero gusto niyang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz industry pagbalik niya ng Pilipinas soon. Maganda, seksi at may talent sa pagkanta si Jackyleen kaya magkakaroon siya ng puwang sa showbiz mabigyan lamang siya ng break ng mga producer.


&&&


CONGRATULATIONS sa winner ng Super Sireyna Queen of Festival Maria Paula Vega ang Angelica Panganiban ng Cebu City.


Last week isa ‘yan sa mga patok na patok na portion ng Eat Bulaga kaya naman ang mga third sex sa buong Pilipinas ay nakatutok na sa number noontime show Eat Bulaga. Kaya suportahan natin ang nasabing show mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang Po!


The post Former member ng Viva Hot Babes, natitiyaga na lang sa ‘barya-barya’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Former member ng Viva Hot Babes, natitiyaga na lang sa ‘barya-barya’


No comments:

Post a Comment