Friday, June 6, 2014

Motion of reconsideration, hiniling ng Solons sa SC

MATAPOS na ibasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration (MR) ng mga senador na idinidiin sa kontrobersyal na pork barrel scam, muli silang dudulog sa Korte Suprema si Napoles kaugnay ng hirit na mapigilan ang pagsampa ng kasong plunder sa Sandiganbayan.


Sa isang opisyal na pahayag ni Sen. Bong Revilla, isa sa tatlong senador na nakatakdang sampahan ng ‘plunder’ sa sandiganbayan, inaasahan na rin niya na babalewalain ang kanilang apela sa anti-graft court.


“Tanggap at inaasahan ko naman talaga ang desisyong ito na babalewalain nila ang aming MR dahil wala naman talaga kaming mahihita at ni hindi man lamang nila binabasa ang aming apela,” ani Revilla.


Nilinaw naman ni Atty. Joel Bodegon, abogado ni Revilla, hindi totoong wala silang bagong argumento sa inihaing MR sa Ombudsman.


Dahil dito, muli silang maghahain ng petition for certiorary sa SC laban sa naging ruling ng anti-graft court.


Naniniwala din si Sen. Jinggoy Estrada, isa din sa akusado sa scam, na ‘moro-moro’ lamang kaya hindi na binasa pa ng Ombudsman ang kanilang apela sa halip ay pursigidong i-akyat ang kaso sa Sandiganbayan.


“Expected naman ‘yun, expected. Moro-moro na lang ‘yun. Talagang halatang-halata naman sila e,” ani Estrada.


Giit pa ng solon na hindi na nito hihintayin ang pag-aresto sa kanya sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa halip ay kusa siyang susuko.


Una na ring sinabi ni Enrile, handa umano nitong harapin ang kaso sa Sandiganbayan dahil pinag-aralan na ito ng kanyang legal team.


Katunayan, kung papayagan ay handa umano si Enrile na siya mismo ang dedepensa sa sarili sa anti-graft court.


Halos magkaisang paniniwala ng tatlong senador na inaasahan na nila ang pagbasura ng apela sa Ombudsman patunay na silang tatlo lamang ang target ng administrasyon.


Una na ring sinabi ni Senate President Franklin Drilon na walang balak ang Senado na kanlungin ang tatlong senador sa oras ipaaresto ng korte dahil ang Sandiganbayan umano ang magpapasya nito kung saan sila ikukulong.


The post Motion of reconsideration, hiniling ng Solons sa SC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Motion of reconsideration, hiniling ng Solons sa SC


No comments:

Post a Comment