Friday, June 6, 2014

Desisyon ng Ombudsman vs whistleblowers oks kay Cayetano

“I laud the Ombudsman for her decision. I have always been 100 percent against any type of immunity for Napoles.”


Reaksyon ito ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman na katigan ang whistleblowers na bigyan ng immunity kaysa kay Napoles na malinaw na ‘most guilty’ sa pork barrel scam.


Kabilang si Benhur Luy at 3 iba pa na pinagkalooban ng immunity ng ahensiya.


Hindi nakasama si Janet Lim Napoles sa nabigyan ng immunity dahil hindi nito taglay ang mga katangian para sa isang ‘immune witness.’


Hiniling din ng senador sa pamahalaan na tutukan ang kapakanan ng whistleblowers na mabibigyan pa rin sila ng proteksyon kahit magpalit ng administrasyon.


Aniya, dapat na ipasa ang Whistleblowers Act na magbibigay ng proteksyon sa mga testigo laban sa mga banta sa kanilang buhay.


The post Desisyon ng Ombudsman vs whistleblowers oks kay Cayetano appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Desisyon ng Ombudsman vs whistleblowers oks kay Cayetano


No comments:

Post a Comment