Thursday, June 26, 2014

MMDA at DPWH sinisi sa traffic at baha kahapon

ISINISI ng libu-libong pasahero ang umano’y walang silbing road repair ng DPWH at MMDA na nagdulot pa rin ng traffic dulot ng malakas na ulan at baha sa Metro Manila, kahapon.


Karamihan sa mga pasahero ay na-stranded sa Mandaluyong at sa kanto ng EDSA at Ortigas Avenue, Pasig City.


Nag-deploy naman ang local government ng Mandaluyong ng “libreng sakay” sa mga ferry commuter na naapektuhan ng matinding traffic at baha.


Marami ring pasahero ang halos apat na oras na naghintay ng masasakyan sa kanto ng North Avenue at Edsa, Quezon City; Makati at Pasay Cities.


Nahirapan ding makauwi ang mga pasahero sa Maynila partikular sa Lawton hanggang Rizal Avenue patungong Monumento, Caloocan at Valenzuela cities.


Bahagya namang nalubog sa tubig ang isang high-class mall sa Makati City bunsod ng malakas na ulan kahapon.


Dakong 3:30 ng hapon nang umapaw ang tubig sa concourse level ng Power Plant Mall dahil sa nasirang tubo mula sa roof deck na nasa ibabaw ng isang food establishment.


Ayon kay Nicole Reyes, marketing supervisor ng Rockwell Land Corporation, na-contain naman nila ang sitwasyon at napigilan ang pagtagas ng tubig.


Ang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila ay bunsod ng malakas na ulan kahapon na nagresulta rin sa pagka-stranded ng libu-libong pasahero.


The post MMDA at DPWH sinisi sa traffic at baha kahapon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MMDA at DPWH sinisi sa traffic at baha kahapon


No comments:

Post a Comment