Thursday, June 26, 2014

Alcala, pumalag sa tsismis na pagtakbo sa 2016 elections

INALMAHAN ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang mga kumakalat na tsismis na may plano siyang tumakbo sa 2016 elections.


Ang tsismis ay nag-ugat kaugnay sa pagpapamudmod ni Alcala ng mga hand tractor at iba pang gamit sa bukid sa Ilocos Norte kamakailan lang.


Ayon kay Alcala, ang mga kagamitan ay matagal nang hiniling ng grupo ng magsasaka sa naturang lalawigan.


May sarili rin pondo mula sa ahensya ang mga pina-raffle niyang hand tractor at madalas na niya itong ginagawa sa mga probinsyang kanyang dinadalaw.


Pinayuhan ni Alcala ang mga tsismoso’t tsismosa na ‘wag bigyan ng kulay pulitika ang kanyang paglilingkod sa magsasaka.


The post Alcala, pumalag sa tsismis na pagtakbo sa 2016 elections appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Alcala, pumalag sa tsismis na pagtakbo sa 2016 elections


No comments:

Post a Comment