IPINAHAYAG ngayon ng isang opisyal ng militar na nais ni Pangulong Noynoy Aquino na magkaroon ng modernization sa New Bilibid Prison (NBP) sa sandaling mailipat na ito sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation sa Cabanatuan City.
Ayon kay Lt. Col. Gregorio Pio Catapang, Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff, target na matapos ang paglilipat at bagong programa ngayong taon.
Ang Fort Ramon Magsaysay ang pinakamalaking military camp sa bansa at ipinangalan kay democracy icon at dating Pangulong Ramon Magsaysay.
Matatandaang sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan na ang bagong pasilidad ay makabago at isusunod sa international standards na magkakahalaga ito ng P40 billion.
The post Bilibid, isasailalim sa modernisasyon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment