Monday, June 9, 2014

Davao City, may pinakamaraming botanteng walang biometrics

INIULAT ng Commission on Elections (Comelec) na ang Davao City ang nangunguna sa listahan ng mga lugar sa bansa na may pinakamaraming botante na wala pang biometrics hanggang ngayon.


Ayon kay Comelec Commissioner Grace Padaca, ang Davao City, na siyang pinakamalaking lungsod sa bansa, ay mayroong 340,276 registered voters na may incomplete o ‘di kaya’y walang biometrics registration.


Nangunguna rin sa listahan ng mga lugar na maraming botante na walang biometrics ang Quezon City (269,675); Zamboanga City (206,213); Caloocan City (113,208); Bacoor, Cavite (95,621); Batangas City (69,378); Binangonan, Rizal (66,907); Cabanatuan City (65,673); Taguig City (62,683); at Cotabato City (62,016).


Samantala, iniulat rin naman ni Padaca na ang Pangasinan ang may pinakamaraming botante na nagpa-ciometrics sa unang isang buwan ng registration period na umabot sa 12,651.


Marami rin namang nagpa-biometrics sa Quezon (9,647); Batangas (7,065); Isabela (6,944); Sorsogon (5,857); Leyte (5,736); Western Samar (5,658); Negros Occidental (5,298); Cavite (4,737); at Negros Oriental (4,667).


Nauna rito, sinabi ng Comelec na may kabuuang 9,301,386 botante ang walang biometrics data.


Nagbabala rin ang poll body na hindi sila makakaboto sa 2016 presidential polls kung hindi magpapa-biometrics bago ang halalan.


Ang registration period ay nagsimula noong Mayo 6 at inaasahang magtatapos sa Oktubre 31, 2015.


The post Davao City, may pinakamaraming botanteng walang biometrics appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Davao City, may pinakamaraming botanteng walang biometrics


No comments:

Post a Comment