NAKATULONG sa loveteam ngayon nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na sila’y parehong nagsimulang child star. Bilang child stars sa GMA 7, bata pa sila ay nagkakasama na sila sa set. Minsan, kapag walang take ay naglalarong bata pa sina Miguel at Bianca. Kasama na rito ang taguan at habulan sa set.
Ngayong mag-loveteam na sina Miguel at Bianca, less tension na sa kanilang dalawa. Wala ng ilangan kung may portion ang script na dapat ay may kulitang magaganap sa dalawang tween stars ngayon. Pareho pa sina Miguel at Bianca na dumaan din sa acting workshop nang direktor ng Niño na si Maryo J. Delos Reyes kaya ‘di sila sakit ng ulo ni direk.
Kahit paano ay nakapag-adjust na sina Miguel at Bianca kung anong inaasahang ipagagawa sa kanila ni direk Maryo J sa set. Mahirap namang mag-take 2 ang dalawa sa kanila kunong ‘kulitan scenes’ na tamang-tama sa kabataang edad nila.
Kahit ang role ni Miguel ay retardate na pitong taon ang pag-iisip, kahit siya’y 15 na sa script, mapalalapit pa rin ang loob sa kanya ni Bianca. ‘Di nito malilimutan ang aksidente sanang magaganap sa kanya na kung hindi sa tulong ni Miguel napahamak na sana siya.
Kina Miguel at Bianca pa rin, abangan silang dalawa ngayong Sabado at 3pm sa kanilang Niño promotional Mall Tour sa Magic Mall ng siyudad. Ang affair ay magaganap sa Activity Center ng Magic Mall ng Urdaneta, Pangasinan.
Kasama nila sina Julian Trono at Renz Valerio na tiyak na pakikiligin din ang fans dahil parehong magaling sumayaw ang dalawa. Si Renz ay magaling ding kumanta. Expert naman sa pagsasayaw si Julian.
MICHAEL V AT MANILYN REYNES, TO-THROWBACK SA PEPITO MANALOTO
KUNG laging may labingan sina Bea Binene at Jake Vargas sa Pepito Manaloto, ‘di rin pahuhuli ang loveteam nina Michael V at Manilyn Reynes, ang pangunahing character sa reality sitcom. Mapanonood ang panahon kung kailan at paano nagsimula ang kanilang nakakakilig na love story.
Muling balikan ang mga high school memories nina Pepito at Elsa na naganap noong 1986 sa Caniogan High School kung saan sila unang nagkakilala. Sa panahong iyon ay wala pa silang espesyal na pagtingin sa isa’t isa. Mayroong nobya si Pepito na si Rose (Tina Paner) habang nililigawan naman si Elsa ng kanyang crush na si Eric (Bembol Roco).
Sa pagkakaroon nila ng kanya-kanyang love interests noong high school, siguradong lalong magiging interesado ang mga manonood na malaman kung paano nagkatuluyan ang mag-asawang milyonaryo na hanggang ngayon ay masaya pa rin sa piling ng isa’t isa.
Samantala, magaganap din ngayong Linggo ang isang hindi malilimutang high school reunion nina Pepito at Elsa kasama ng kanilang mga kaklaseng naging bahagi ng kanilang kakaibang love story. Magkakaroon sila ng isang masayang kuwentuhan ng kanilang nakaraan at ng kanilang kasalukuyang buhay.
The post Miguel Tanfelix at Bianca Umali, wala nang ilangan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment