Tuesday, June 3, 2014

BJ Forbes naaalala ang kasikatan kay Ryzza Mae Dizon

TULAD nga ni Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon, produkto rin ng Eat Bulaga itong si BJ “Tolits” Forbes dahil isa siya sa sumali sa That’s My Boy last 2004.


Naging mainstay din siya ng afternoon show na ito at talagang inalagaan din siya ng mga dabarkads specially si Bossing Vic Sotto. Sa ngayon ay hindi na natin nakikita si BJ sa Eat Bulaga at si Ryzza Mae na nga ang may hawak ngayon ng trono.


Nagbibinata na kasi si BJ at ngayon nga ay nasa cast siya ng One Of The Boys ni Joey de Leon na napanonood every Saturday at 8:15pm sa TV5.


Bukod pa riyan, busy si BJ sa promotion ng kanyang indie film na malapit ng ipalabas, ang Barya Boys ng EMREJ Film Production kung saan kasama niya rito si Buboy Villar.


Actually, nabigyan ito ng MTRCB ng rating na G at ayon nga kay Direk Maning Borlaza, ngayon lang sila nakapag-review ng ganito kagandang pelikula. Kumbaga, eh, pasado ito sa mga nag-review ng Barya Boys kaya nga tuwang-tuwa ang producer nito.


Isang napakagandang kuwento na kapupulutan ninyo ng aral sa direksyon ni Errol Ropero, please do watch this film.


The post BJ Forbes naaalala ang kasikatan kay Ryzza Mae Dizon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BJ Forbes naaalala ang kasikatan kay Ryzza Mae Dizon


No comments:

Post a Comment